Pulis na namaril ng mag-ina sa Paniqui, Tarlac, pinakakasuhan na ng double murder

Agad na nakitaan ng piskalya ng probable cause para kasuhan si Police Master Sergeant Jonel Nuezca dahil sa pamamaril at pagpatay sa mag-inang nakaalitan nito sa Panqui, Tarlac Kahapon ng hapon.

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi na kailangan ng parallel investigation sa nangyaring insidente.

Paliwanag ng kalihim, matapos ang inquest proceedings, agad na nagsagawa ng preliminary investigation ang Office of the Provincial Prosecutor ng Tarlac at kinakitaan nito ng probable cause ang inihaing reklamo ng mga awtoridad para sampahan ng two counts of murder si Nuezca.


Una nang nagpahayag ng pagka-alarma ang Department of Justice (DOJ) sa nangyaring pamamaril ng isang pulis sa nakaalitan nitong mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Justice Secretary Guevarra, masyadong nakakabahala ang naturang insidente na nauwi pa sa pagkamatay ng dalawa.

Patuloy rin aniyang tututukan ng DOJ ang kaso at sisiguruhin na maibibigay ang nararapat na hustisya.

Facebook Comments