Magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Philippine National Police kaugnay sa ginawang pamamaril ng isang miyembro ng PNP sa isang pipi at bingi at kasamahan nito sa Pag-asa II, Imus City, Cavite kahapon, January 1, 2020.
Ayon kay PNP Officer in Charge Lt. Gen Archie Gamboa, hindi nila iniuugnay sa pagdiriwang ng holiday season ang nangyaring insidente.
Paliwanag ng opisyal, hindi naman nagpaputok ng baril ang pulis para salubungin ang bagong taon at tinamaan ang mga biktima.
Sa halip aniya, nagkainitan ang mga ito kaya nauwi sa pamamaril ng suspek sa mga biktima.
Ang namaril na pulis ay kinilalang si Police Staff Sergeant Rolando Luzana, residente ng Gardenville Subdivision sa Pag-asa II, Imus City, Cavite na nakatalaga sa PNP Crime Laboratory sa Camp Crame.
Sa pamamaril, sugatan ang dalawang biktima.