Mahigit 20 kilo ng meat products mula sa iba’t ibang bansa, nasabat sa NAIA

Umabot sa 21.2 kilos ng meat products ang kinumpiska ng Bureau of Customs na dala ng mga pasahero mula sa iba’t ibang bansa sa Ninoy Aquino International Airport NAIA terminal 1.

Kabilang sa naturang meat products ay sausage at chicken feet mula China, Malaysia at Vietnam.

Kinumpiska rin ng Customs ang 8.2 kilos naman ng iba’t ibang klase ng prutas at gulay na bitbit din ng ilang pasahero mula sa China.


Nabigo kasi ang mga pasahero na magpakita ng permit mula sa Bureau of Food and Drugs.

Ang mga nasamsam na meat products ay hawak na ng

Bureau of Animal Industry Quarantine Service.

Facebook Comments