Pulis na nambugbog sa isang motorista, sinibak na sa pwesto

Manila, Philippines – Sinibak na sa puwesto ang isang tauhan ng Quezon City Police matapos na mambugbog ng isang motorista sa Fairview noong March 17, 2017.
 
Ayon kay QCPD Director Police Chief Supt Guillermo Lorenzo T. Eleazar, narelieve na sa puwesto si Police Chief Inspector Melvin Madrona, dating nakatalaga sa QCPD station 5 Fairview.
 
Bukod dito, isasailalim din sa restrictive custody sa Camp Crame si Madrona, base na rin sa kautusan ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.
 
Depensa naman ni Madrona, binangga siya ng biktima pero pagkababa niya ng kaniyang sasakyan ay agad siyang minura ng biktima.
 
Kinuha rin aniya nito ang cellphone ng babaeng kinukunan sila ng video kaya nagpakilala na siya bilang pulis.
 
Pero bigla aniya siyang sinuntok ng biktima kaya nauwi sila sa suntukan.
 
Nahaharap si Madrona sa kasong kriminal at administratibo.
 
Maliban kay Madrona, maaari ring maharap sa kaso ang mga pulis sa walang ginawa sa nangyaring pambubugbog sa loob ng kanilang istasyon.


Facebook Comments