Isang awol na pulis, arestado sa buy bust operation sa Navotas City

Manila, Philippines – Arestado ang isang awol na pulis kasama ang tatlong iba pa sa isinagawang buy bust operation sa Navotas.
 
Ayon kay PO2 Jaypee MaƱalac, inaresto ang suspek na si Ferdinand Ragin matapos magbenta ng shabu sa isang poser buyer.
 
Aniya, mga residente rin sa lugar ang nagturo kay ragin sa ilegal na gawain nito.
 
Nakuha mula sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu habang narekober kay Ragin ang kaniyang tsapa.
 
Nabatid na mayroon ng anim na warrant of arrest si Ragin dahil sa pagkakasangkot sa ibaā€™t-ibang kaso simula mag awol ito noong 2013.
 
Kinumrpima naman ni Senior Supt. Dante Novivio na si Ragin ang supplier ng ilegal na droga ng mga kargador at mangingisda sa lugar.


Facebook Comments