Pulis na Nangotong at Isa pa na Nahuli sa Sabungan sa Isabela, Sinampahan na ng Kaso

Cauayan City, Isabela-Hindi sang-ayon ang pamunuan ng Police Regional Office No. 2 sa ginawa ng dalawang pulis sa kabila ng mahigpit na kampanya ng pambansang pulisya na Internal Cleansing sa kanilang hanay.

 

Nahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang isa pang pulis at sibilyan na kasabwat nito na sangkot sa pangingikil na sina PSMS Fidel Rey Dugayon na kasalukuyang nakatalaga sa Isabela Special Motorcycle Assistance and Response Team (ISMART-IPPO) at si Joel Acosta, 42 anyos, welder at residente ng Culing Centro, Cabatuan, Isabela sa isinagawang  entrapment operation dakong alas singko kahapon ng kikilan ng mga ito ang mga biktimang sina Ryan Cris Cardrona, Melchor Valdez at Rodrigo Romero kung saan nahuli sa paglabag sa batas trapiko.

 

Nakuha sa pag-iingat ni  Dugayon ang 2,000  gayundin ang limang motorsiklo habang isang  tricycle ang nabawi mula sa kanyang bahay habang nabawi kay Acosta ang P12,000 cash.


 

Samantala, inaresto din si PSSg. Jovimar Rodriguez na kasalukuyang nakatalaga sa Bayombong Police Station matapos mahuli sa aktong tumataya sa isang sabungan sa Cauayan City.

 

Ikinustodiya na sa Police Regional Office 02 (PRO2) si Rodriguez na nahaharap sa paglabag sa PNP Code of Conduct and Ethical Standard.

 

 

 

Facebook Comments