Pulis na nanguna sa negosasyon sa hostage taking sa Maynila, pinarangalan

Tumanggap ng parangal ang pulis na nanguna sa pakikipag-negosasyon sa nangyaring hostage-taking kamakailan sa lungsod ng Maynila.

Iginawad ni Atty. Rafael Vicente Calinisan, Commissioner ng National Police Commission ang Certificate of Commendation kay Police Lieutenant Colonel John Guiagui, officer-in-charge ng Manila Police District- District Intelligence Division.

Ito ay dahil sa maayos at matagumpay na operasyon kung saan nailigtas mula sa suspek ang dalawang babaeng biktima nito matapos ang halos isang oras na hostage-taking.

Nagpaabot naman ng suporta ang mga tauhan ng MPD.

Facebook Comments