Magiting na bayani. Ganito isalarawan ni P/BGen.Jose Mario Espino, Regional Director ng PR02 si PSSgt. Richard Gumarang matapos magbuwis ng buhay habang ginagampanan nito ang kanyang tungkulin bilang alagad ng batas.
Itinuring na bayani si P/SSgt. Gumarang ang nagbuwis ng buhay matapos maka-engkwentro ang mga miyembro ng pinaniwalaang organized robbery hold–up group/gang. Personal na nakiramay at inabot ni P/BGen.Espino ang isang daang libong piso bilang paunang financial assistance. Tinanggap ito ni Michelle Gumarang, ang may bahay ng biktima.. Posibleng ngayon hapon ay dadalhin ang mga labi ni Gumarang sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) bilang pagbibigay pugay sa kanyang nagawa at naimbag sa bayan bago dalhin sa kanilang bahay sa Barangay Babalag East, Rizal, Kalinga.
Matandaan na naka-engkwentro ng hanay ng pulisya ang mga holdaper na tumangging sumuko sa inilatag na checkpoint ng PNP-Ramon sa Brgy. Turod Bugallon ng nasabing bayan. Sinubukan pang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Brgy. San Miguel at nakipagbarilan sa mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ni Gumarang at dalawa sa apat na suspek habang patuloy paring tinutugis pang nakatakas.###
tag: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, PNP Ramon, IPPO, engkwentro, pnp region 2, P/Brigadier General Jose Mario Espino, gumarang