Pulis na nasaksak ng lalaking aarestuhin niya, nagpapagaling na sa ospital

Caloocan City – Nagpapagaling na ngayon sa ospital ang pulis na nasaksak ng lalaking tinangka niyang arestuhin noong linggo sa Caloocan City.

Ayon sa mga residente ng Barangay 146, Bagong Barrio, nagsumbong sila sa mga pulis dahil sa pagala-galang lalaking may dalang kutsilyo sa kanilang lugar.

Nakunan sa CCTV ng barangay ang insidente kung saan makikitang naglalakad ang suspek na si Ceasar Ariola habang kasunod si PO1 Ronald Aniceto nang biglang ambaan ng saksak ng suspek ang pulis hanggang magpambuno sila sa lupa.


Dito na pinaputukan ni Aniceto ang suspek na agad niyang ikinamatay.

Nabatid na gumagamit ng iligal na droga si Ariola at kabilang din sa drug watchlist ng kanilang barangay.

Facebook Comments