Pulis na nasawi sa midair collision sa Amerika, bibigyang parangal ng PNP

Bibibyang pagkilala ng Philippine National Police (PNP) si PCol. Pergentino Malabed.

Si Malabed ay kasama sa mahigit 60 mga pasahero ng American Airlines na nasawi makaraang bumangga sa isang military helicopter sa Reagan National Airport sa Washington noong isang linggo.

Nasa Amerika si Malabed para sa isang opisyal na misyon bilang pinuno ng PNP Supply Management Division nang mangyari ang trahedya.


Ayon kay PNP Spokesperson at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo nasa Amerika na ang misis ni Malabed para tukuyin ang labi ng kaniyang namayapang kabiyak.

Ani Fajardo, bukod sa misis ni Malabed ay nasa Estados Unidos na rin ang kapatid nito at inaasikaso ni Office of the Police Attaché. Col. Moises Villaceran.

Sinabi pa ni Fajardo na kapag natapos na ang mga kinakailangang dokumento maiuuwi na sa bansa ang mga labi ni Col. Malabed.

Facebook Comments