Caloocan City – Naniniwala ang Philippine National Police na nanatiling inosente ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Kian Delos Santos ang menor de edad na nasawi sa drug operation sa Caloocan City.
Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, hanggat walang desisyon ang korte kaugnay dito ay mananatiling walang kasalanan ang mga pulis.
Magkagayunpaman isang magandang hakbang pa rin para sa PNP ang pagsasampa ng kaso sa mga pulis na sina PO1 Jeremias Pereda, PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz at precinct Commander Chief Insp. Amor Cerillo.
Sa ganitong paraan aniya maidedepensa ng mga pulis ang kanilang mga sarili.
Sa ngayon, mas maigi aniyang magawa ng mga pulis ang kanilang karapatang ipagtanggol ang kanilang sarili.
Kanina ay pormal ng sinampahan ng kasong murder ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Kian Delos Santos sa Department of Justice.