Pulis na sinibak sa serbisyo dahil sa iba’t ibang katiwalian, umabot na sa mahigit 4,000

Umabot na 4,594 na mga pulis ang sinibak na serbisyo matapos mapatunayang nasangkot sa mga katiwalian.

Ito ay kaugnay sa halos apat na taon nang pagpapatupad ng Philippine National Police (PNP) Internal Cleansing Program.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief General Camilo Cascolan na ang bilang ng mga pulis na nasibak sa serbisyo ay mula sa 15, 768 na mga pulis na sinampahan ng kasong administratibo.


Ito ay dahil nasangkot sa criminal activity katulad ng illegal drugs, grave misconduct, serious neglect of duty, serious irregularity, malversation, dishonesty at graft and corruption.

Batay pa rin sa bilang ng mga nasampahan ng kasong administratibo, 7,888 ay sinuspinde at 846 ay na demote ang ranggo.

608 naman ay binawian ng sweldo at 119 ay restricted to quarters.

Natukoy rin ng PNP sa bilang ng mga nasampahan ng kasong administratibo na 549 ay may kasong may kinalaman sa droga, 410 ay positibong gumagamit ng droga at 139 ay sangkot sa illegal drug activities.

Facebook Comments