Pulis na umano’y nanutok ng baril sa dalawang menor de edad sa Pasay – sinibak na

Pasay City – Sinibak na sa serbisyo ni NCRPO Director C/Supt. Oscar Albayalde ang pulis na nag-viral kamakailan sa social media dahil sa umano’y panunutok ng baril sa dalawang menor de edad sa Pasay City.

Kahapon, dinala na sa kustodiya ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig ang pulis na si PO2 Manuel Taytayon.

Pinamamadali na rin ni Albayalde kay Pssupt. Ernesto Barlam, Chief ng Regional Investigation And Detective Management Division (RIDMD) ang imbestigasyon sa isyung kinasasangkutan ni Taytayon.


At kapag napatunayang may paglabag, hindi aniya magdadalawang-isip na patawan ng parusa ang pulis.

Kwento ng nag-upload ng video na si Ralph Davenz Altea, naglalakad sila nang biglang silang businahan ni Taytayon.

Bumaba pa ito sa kanyang kotse at kinompronta ang dalawang menor edad.

Itinanggi naman ng pulis na nanutok siya ng baril.

Facebook Comments