Pulis, namaril sa kasal ng ex-girlfriend; kapatid ng bride, patay

879

Nasawi ang isa habang sugatan naman ang isa pa matapos mamaril ang isang pulis sa wedding reception ng dati niyang kasintahan sa San Jose Del Monte, Bulacan, Agosto 19.

Kinilala ni Police Chief Orlando Castil ang suspek na si Patrolman Jessie Gubat, 27, na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Cabanatuan City.


Ayon kay Castil, target ni Gubat ang dating girlfriend na si Joyce Anne Reynada na kakakasal lang kay Reggie Tulosa.

Sugatan si Tulosa matapos saluhin ang bala para sa kanyang misis.

Habang napatay naman ang kapatid ng bride na si Margarettee Cleavan Linao matapos habulin si Gubat at makipagpalitan ng bala.

Nagtamo ng tama ng baril sa hita ang suspek at isinugod sa ospital.

Nahaharap sa kasong murder at attempted homicide ang suspek.

Nagpapagaling naman sa ospital ang groom.

Facebook Comments

From Advertisers