Nakatakdang magsagawa ng “Pulis Natin” Caravan sa iba pang lugar sa rehiyon ang Police Regional Office 12.
Batay ito sa pahayag ni PNP 12 Regional Director, Chief Superintendent Marcelo Morales, kasunod ng matagumpay nilang “pulis caravan” na isinagawa sa isang mall sa General Santos City.
Layon ng caravan na mailapit sa publiko ang serbisyo ng PNP.
Maaring mapakinabangan ng publiko sa “Pulis Natin” Caravan ang kanilang mga front line services tulad ng pagproseso ng mga reklamo sa paglabag sa karapatang pantao, cybercrime, at isyu ng mga kababaihan at kabataan.
Sinabi pa ni Morales bukas din sa Caravan ang desk ng PNP para sa libreng legal advices, proseso at verification ng clearance ng motorsiklo.
Dito ay maaring iproseso ang license to own and possess firearms, firearms registration, permit-to-carry firearms outside residence at issuance sa ilalim ng Supervisory Office ng mga Security and Investigation Agencies.
Kasama sa “pulis natin caravan” ang recruitment ng mga pulis at Special Action Forces at maging pagtugon ng problema sa retirement benefits.
Ayon kay Morales, layon nito na gawing transparent ang serbisyo at reporma sa recruitment process ng PNP. (Amer Sinsuat)
Pulis Natin Caravan isasagawa sa ibat ibang bahagi ng Region 12
Facebook Comments