SAWI | Drug pusher, patay matapos makipagbarilan sa pulis sa Parañaque City

ParaƱaque – Dead on the spot ang isang drug pusher habang sugatan naman ang isang bagitong pulis matapos na makipagpalitan ng putok sa suspek nang magsagawa ng buy bust operation sa Riverside 1 Brgy.Tamo ParaƱaque City.

Sugatan si PO1 Domic Enguio sa kanang hita matapos makipagbarilan ng drug pusher na namatay on the spot na nakilala lamang sa alyas Tatay Ponso.

Batay sa imbestigasyon ng SPD nagkaroon ng palitan ng putok matapos na magsagawa ng Anti-Illegal Drugs Buy-Bust Operation ang Southern Police District – ParaƱaque City Police Station Drug Enforcement Team (DET) PCP2 na nagsagawa ng anti-illegal drugs buy-bust operation sa RIVERSIDE 1, Brgy Tamo, ParaƱaque City


Napag alaman na matapos magbenta ng dalawang sachet ng shabu si alyas Tatay Ponso, na kabilang drugs watch list ay nagkaroon ng encounter matapos magpanggap na bibili ng shabu si PO1 Angelo Acaylar pero natugunan ng suspek kaya pinaputukan agad ang pulis pero ang tinamaan ay ang kanyang kasamahang pupis na back up na si PO1 Dominic Engiuo na nasa 40 meters lamang ang layo sa pinangyarihan ng insidente.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre 38 baril, 1 libong mark money at mga sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Facebook Comments