Pulis Natin Caravan, Nakatakdang Isagawa!

22

Cauayan City, Isabela – Cauayan City, Isabela – Nakatakdang isasagawa sa lungsod ng Cauayan ang Pulis Natin Caravan kasama ang Police Regional Office 02 sa oras na 8 AM-5 PM sa F.L.Dy Colesium sa darating na December 11, 2018.

Ayon kay Police Senior Inspector Esem Galiza, tagapagsalita ng PNP Cauayan City, layunin umano ng naturang aktibidad na mailapit ang serbisyo ng kapulisan sa mga residente ng Cauayan at sa mga karatig na bayan.

Ang serbisyong ihahatid ay ang pagbibigay ng mga clearance, pagproseso ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF), pagrehistro ng mga baril at Supervisory Office of the Security and Investigation Agencies (SOSA).

Kabilang din dito ang pagtanggap ng mga problemang may kaugnayan sa mga kababaihan at bata, Karapatan, free legal advice, reklamo hinggil sa cyber crime,HPG Clearance, Recruitment ng PNP at marami pang iba.

Facebook Comments