TIMBOG | NDF negotiator, arestado sa joint operation ng pulisya at militar sa Cavite

15

Naaresto sa pinagsanib na operasyon ng CIDG, Joint Task Force – NCR, at Intellignece Service of the AFP, kaninang madaling araw ang isa sa mga nagtatagong NDF Negotiators sa Cavite.

Ang suspek ay kinilalang si Rey Claro Casambre, miyembro ng CPP Central Committee, at miyembro din ng NDF Negotiating panel.

Si Casambre at Ang kanyang asawang si Patricia Casambre, ay sakay ng isang silver Toyota Vios na May plakang XKS 821 nang maaresto sa Brgy. Niyog 3, Molino Boulevard, Bacoor, Cavite, kaninang 12:01 ng madaling araw.

Si Casambre ay May outstanding warrant para sa kasong murder, at 2 counts ng frustrated murder na inisyu ng RTC 11th Judicial Region, Branch 32, Lupon, Davao Oriental, nitong Nov 23, 2018.

Nakuha kay Casambre Ang isang Cal. 45 pistol, mga bala, isang granada, piyesang panggawa ng bomba, dalawang cellphone, isang MacBook, 6,000 cash at Ang kanilang sasakyang vios.

Ang mga suspek ay dinala sa CIDG NCR sa Camp Crame para sa booking at processing.

Facebook Comments