Pulis opisyal, nabiktima ng bukas kotse gang sa QC

Manila, Philippines – Nabiktima ng bukas kotse gang ang isang opisyal ng PNP na nakatalaga sa Anti-Kidnapping Unit sa Kampo Crame matapos na iparada ang kanyang sasakyan sa isang fast food chain sa Brgy. South Triangle, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si P/Chief Inspector Arnel Sagun, 48 anyos, nakatalaga sa Anti-Kidnapping Unit sa Camp Crame.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Niño Corral ng Station 10 ng QCPD ipinarada ni Police Chief Inspector Sagun ang kanyang sasakyan na Toyota Hi-Ace na may plakang AAW-6915 ganap na alas 7:31 ng gabi at makalipas ng labing apat na minuto alas 7:45 ng gabi ng kanya itong balikan sa parking Area sa Edsa kanto Brgy. South Triangle laking gulat nalamang ng police official ng matuklasan niyang bukas na ang pintuan ng sasakyan at wala na ang kanyang bag na may lamang mga damit at 9 libong piso cash at Lenobo cellphone.


Inaalam na ng pulisya kung mayroong CCTV camera sa lugar ng pinangyarihan ng pagnanakaw.
DZXL558

Facebook Comments