Pulis, patay sa buy bust operation sa Cebu City

Namatay ang isang pulis habang nagsasagawa ng buy bust operation sa Brgy. Mambaling, Cebu City kagabi.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police Gen Archie Francisco Gamboa.

Aniya ang nasawing pulis ay kinilalang si Police Master Sergeant Maximino Macua Jr.


Umakto aniyang posuer buyer ang nasawing pulis pero nakatunog ang target ng operasyon at agad na ipinutok ang baril kay Macua dahilan ng pagkamatay nito.

Naisugod pa ito sa ospital pero ideneklarang dead on arrival.

Dahil sa pangyayari, payo ni Gamboa sa mga pulis na nagsasagawa ng drug operation na kapag bumunot ng baril ang kalaban ay huwag mag-atubiling iputok ng pulis ang kanilang baril upang maidepensa ang kanilang sarili.

Facebook Comments