Shabu ginawang ‘ulam’, inihalo sa kanin para ‘di mabisto

752
Courtesy Jimjim Hipolito

CLARK, PAMPANGA – Arestado ang isang Chinese national sa naturang bayan, Lunes ng umaga, matapos mabistong inihalo niya sa kanin ang ipupuslit na shabu.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Zhang Cun Hua, 29-anyos.


Batay sa imbestigasyon, nakapaloob sa isang baunan ang iligal na droga para magmukha itong ulam.

Ibibigay sana ni Zhang ang lunch box sa kaibigang Tsino na nagtratrabaho sa isang pribadong kompanya sa Freeport Zone.

Nang siyasatin ang dalang tupperware, bumungad sa mga security guard ang ilang pakete ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek habang hinahanda ang kasong isasampa sa kaniya.

Tumanggi naman siyang magbigay ng pahayag hinggil sa krimeng nagawa.

Facebook Comments