Pulis sa US, patay matapos barilin ang sarili habang naka-off-duty

331

Nagpakamatay ang isang pulis mula New York City habang naka-off-duty at noo’y nasa kanyang tinutuluyang apartment noong Linggo.

Ayon sa ulat, nagbaril sa sarili ang pulis dakong alas 2:00 am, na naiulat na nagtatrabaho sa East Harlem’s 23rd Precinct.


Naglalakad daw noon pauwi sa apartment ang nobya ng biktima nang madiskubre itong wala ng buhay at may tama ng bala sa leeg.

Samantala, hindi pa rin umano malinaw kung may kinalaman ang suicide sa away ngayon sa pagitan ng protesters at mga pulis sa dahil sa pagkakasawi ni George Floyd, isang negro na nasawi matapos marahas na hinuli ng isang white cop.

Ito ay naging usap-usapan dahil lagpas walong minuto umanong nakaluhod ang naturang pulis sa leeg ni Floyd na naging mitsa ng kanyang kamatayan.

Facebook Comments