Pulis, sugatan sa kasagsagan ng demolisyon ng mga bahay sa Quezon City

70

Manila, Philippines – Sugatan ang isang pulis matapos na mauwi sa tensyon ang pag-demolish ng National Housing Authority (NHA) sa mga bahay sa barangay PAGASA, Quezon City.

Nagtamo ng sugat sa kanang binti si PO1 Archie Aure matapos siyang tamaan ng gasera na inihagis ng isang residente.


Una rito, iginiit ng mga residente ng bliss compound na may nakuha silang temporary restraining order mula sa korte para hindi matuloy ang demolisyon.

Pero nang hingin ay walang maipakitang tro ang mga residente kung kaya’t itinuloy ng NHA at demolition team ang paggiba sa mga bahay partikular ang mga barong-barong.

Umabot naman sa 33 pamilya naapektuhan ng demolisyon.
DZXL558

Facebook Comments