Higit pisong bawas sa kada kilowatt hour na singil sa kuryente, ipatutupad ng Meralco ngayong buwan

86

Manila, Philippines – Good news, magpapatupad ng higit pisong bawas kada kilowatt hour na singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan.

Sa abiso ng Meralco, nasa P1.43 per kwh ang bawas-singil kasama na ang average na P0.79 per kwh na refund para sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto.


Dahil dito, aabot sa P286 ang mababawas sa bill ng mga kumukonsumo ng 200 kwh at p429 naman sa mga kumukonsumo ng 300 kwh.

Habang P572 ang mababawas sa kada 400 kwh na konsumo sa kuryente at P715 kung 500 kwh.
DZXL558

Facebook Comments