Sinuspende na muna ng Philippine National Police (PNP) ang regular na ehersisyo ng mga pulis nationwide o tinatawag na pulisteniks dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID -19.
Kinumpirma ito ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa na isa sa mga major program ng PNP.
Aniya, sa Camp Crame nasa 2,700 na mga pulis ang nagsasagawa ng zumba na bahagi ng pulisteniks tuwing araw ng Martes at Huwebes.
Sinuspende na muna ito pero pinagiisipang gawin pa rin ngunit hindi na magkakadikit.
Samantala, maging ang pagsasagawa ng flag raising ceremony sa mga kampo ng PNP ay magkakaroon din adjustment para pa rin makaiwas sa COVID-19.
Facebook Comments