Naka-full alert na ang pulisya at ang joint Task force dito sa Gensan kasabay ng pag deklara ng martial law ni pangulong Rodrigo Duterte kagabi.
Sa ngayon nakaposisyon na mga PNP personnel sa mga check point at ganon din ang Joint Task Force Gensan para mas mapalakas pa ang seguridad dito sa lunsod.
Ang mas pinalakas na seguridad na ipinapatupad ngayon ay para maiwasan na may makapasok na mga miyembro ng mga armado galing ng ibang lugar kagaya nang maute group lalo pa’t may mga intel report na kumakalat ngayon na mayroon ng mga ISIS sympathizer na nakapasok sa iba pang lugar sa Mindanao maliban sa Marawi.
Pinaalalahanan nalang ng PNP ang mamamayan dito sa Gensan na mananatiling kalmado pero dapat maging alerto at kung mayroong mga kahinahinalang mga tao na kanilang Makita sa kanilang mga lugar ay ireport kaagad sa pinakamalapit na tanggapan ng pulisya at Militar o sa mga barangay official- para agad na maimbistigahan kung ito ba sila ay miyembro nga mga armado na may planong gagawa ng ano mang karahasan.
Sinabi naman ni col. Adoniz Bajao ang commanding officer ng Joint Tast Force Gensan na mayroong magandang ibubunga ang pag deklara ng pangulo ng Martial law dito sa Mindanao lalo pat may mga activity din ang ibang grupo kagaya ng BIFF sa maguindanao area at mayroon pang mga pagpasabog ng IED sa Sultan Kudarat area.