Sen. Gatchalian, tiwalang para sa kapakanan ng mamamayan ang idineklarang martial law ni Pangulong Duterte

150

Manila, Philippines – Tiwala si Senator Sherwin Gatchalian na para sa kapakanan ng mamamayang pilipino ang idineklatang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Kumpyansa si Senator Gatchalian, na bilang anak ng Mindanao ay ibubuhos ni Pangulong Duterte ang buong puso at kaluluwa nito para ibalik ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon sa lalong madaling panahon.


Tiwala ang senador na hindi pababayaan ni Pangulong Duterte na tuluyang malagay sa panganib ang mga kapwa niya Mindanaoan .

Giit ni Gatchalian, dapat nang masugpo ang mga teroristang grupo sa bansa at marapat lamang silang papanagutin sa mga kasalanan nila sa sambayanan.

Kasabay nito ay nanawagan ng panalangin si Gatchalian para sa mga kapatid natin sa Marawi City at sa buong Mindanao.
DZXL558
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments