Pulisya, Muling naghigpit sa kabila ng COVID-19 Positive sa Bayan ng Baggao

Cauayan City, Isabela- Muling naghigpit ang mga awtoridad sa lahat ng nakalatag na checkpoint upang mabantayan ang lahat ng mga papasok at masigurong walang pangamba ang publiko sa posibleng pagkalat ng coronavirus.

Ito ay matapos makapagtala ng tatlong positibong kaso COVID-19 ang Bayan ng Baggao, Cagayan kahapon, Hunyo 25.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan PCAPT. Reynaldo Viernes, hepe ng PNP Baggao, tinitiyak nila ang kahandaan sa hanay ng pulisya at masigurong may mga kaukulang dokumento ang mga residente na magmumula pa sa kalakhang maynila.


Kung maalala ay nagpositibo ang dalawang (2) residente ng Brgy. Hacienda Intal na sina CV58, isang 26-anyos na babae at CV59, isang 24-anyos na lalaki na kapwa galing ng Quezon City; kasama rin si CV60, isang 20-anyos na lalaki na residente naman ng Brgy. Temblique, at may travel history sa Quezon City.

Kabilang ang tatlong nagpositibong pasyente sa mga Locally Stranded Individual na napasailalim sa ‘BALIK-PROBINSYA’ Program ng pamahalaan.

Sa Kabila nito, hindi magdedeklara ng ‘lockdown’ ang Bayan dahil nasunod naman ang health protocol sa pag-uwi ng mga nagpositibong pasyente.

Facebook Comments