PULISYA NAGPAALALA UKOL SA PAG-IWAS SA PAGGAMIT NG MGA IPINAGBABAWAL NA PAPUTOK

Maagang nagpaalala ang Police Regional Office 1 sa publiko sa pag-iwas sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok kaugnay sa papalapit na kapaskuhan.
Ayon kay PCOL Charlie Umayam, Chief Regional Operations Division 1, may mga malalakas na paputok na maaaring magdulot ng disgrasya sa publiko at pamilya.
Aniya, mainam na ito ay iwasan sa kabila na rin ng pagtaas ng mga bilihin kung saan iniiwasan ang malakihang gastos.

Kapag naging biktima umano ng ipinagbabawal na paputok mas malaking gastos ang maaaring kaharapin.
Dagdag ng opisyal, bumili lamang sa mga accredited na bentahan ng paputok na naidentify ng LGUmatapos ang insidente ng pagsabog sa isang illegal na pagawaan ng paputok sa Sta. Maria Bulacan upang maging ligtas ang lahat. |ifmnews
Facebook Comments