OYSTER MUSHROOMS, BIDA SA GULAYAN SA PAARALAN NG DOYONG-MALABAGO NAT’L HIGH SCHOOL

Masustansyang gulay tulad ng Oyster Mushroom ang nakatanim sa Gulayan sa Paaralan ng Doyong-Malabago National High School sa bayan ng Calasiao.

Bida ito ngayon dahil sa dami nang na harvest ng mga teacher in-charge sa proyektong ito. Ang mga Oyster Mushrooms ay inaalagaan sa paaralan sa pangunguna ni sir Jun Cabaltera Nitura kaakibat si Dr. Teody Mararac Delos Santos.

Handang handa na ang mga ito para sa distribution, matapos ang packaging. Ang proyektong ito ay naglalayong maturuan ang mga estudyante sa konsepto ng “earning while learning”.

Kaya para sa mga taga Calasiao, suportahan na ang produktong Oyster Mushroom ng mga taga Doyong-Malabago National High School. |ifmnews

Facebook Comments