Nagsimula nang umarangkada ang “Brigada Eskwela” ng Department of Education (DepEd).
Kaugnay nito, naglabas ng pahayag si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Major Gen. Guillermo Eleazar na makikiisa ang pulisya sa brigada ng mga paaralan sa Metro Manila.
Inatasan na aniya ni Eleazar ang limang district directors na tumulong sa paglilinis at pagsiguro ng seguridad sa mga paaralan.
Bukod dito, maglalaan din ng ang NCRPO ng cleaning at painting materials.
Samantla, sa unang pagkakataon naman ay makikilahok din sa Brigada Eskwela ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa isang memorandum, inatasan ni PDEA Director General Aaron N. Aquino ang lahat ng PDEA regional offices na makibahagi sa brigada ng mga paaralan sa kanilang kinauukulan.
Ayon pa kay Aquino, naglaan ang ahensya ng 5,000 pesos kada distrito sa NCR para sa cleaning materials at iba pang dekorasyong maaaring gamitin sa aktibidad.