Pulitika inuna kaysa sakuna

Tila mas inuna pa umano ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pamumulitika at pagdalo sa isang engradeng kasalan imbis na pangasiwaan nito ng pagtulong sa kanyang kababayan na naapektuhan ng matinding pagbaha mula sa 13 low lying areas dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan sa naturang siyudad.

Karamihan sa apektado ng 9,000 pamilya na lumikas ay hindi nagkanlong sa evacuation centers.

Ang malakas na pag-ulan sa mga upstream na lugar ng lungsod ay naging sanhi ng pag-apaw ng mga ilog ng Lasang at Matina, Davao City, noong Martes, na nag-udyok sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na alertuhan ang mga residente sa mga pampang ng mga ilog na ito upang maghanda para sa agarang paglikas.


Ayon kay Cicero Lumauig, lead convenor ng Isko National Alliance, nakakalungkot na mas binigyan pa ng atensiyon ng alkalde ng Davao City ang ‘pamumulitika’ sa halip kalingain ang kanyang kababayan na naapektuhan ng pagbaha.

Mababatid na nag-withdraw ng kandidatura sa pagka-alkalde si Mayor Sara noong Martes, kasunod ang biglaang pagluwas nito sa Maynila para dumalo sa isang engrandeng kasal at abala rin sa paghahandang makalahok sa halalan para sa mataas na panunungkulan sa bansa.

Ang maglingkod sa mamamayan ay kasing bigat ng Bundok Apo habang ang pagtalikdan sa paglilingkod ay kasing gaan ng balahibo ng manok, saad ni Lumauig.

Facebook Comments