Kinalampag ng Associated Labor Unions-TUCP ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na aksyunan ang umiiral na partisan politics sa pamimigay ng bagong ayuda ng national goverment.
Sinabi ni Allan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP, maliban sa pagsasaayos ng listahan ng mga benepisyaryo ng mga cash assistance, kinakailangan din ayusin ang pamimigay sa harap ng partisan local politics sa iba’t ibang siyudad at munisipyo.
Sinabi ni Tanjusay,batay sa nakukuha nilang mga report, inuuna umano ng mga mayors sa bigayan ng ayuda ang mga kaalyado, kamag anak, kaibigan at mga residente na sumuporta sa kanyang pagkapanalo.
Nalalaktawan o kaya naman ay nahuhuli sa listahan ang hindi kaalyado at hindi bumoto sa kanya.
Facebook Comments