Pulong kay Japanese Emperor Naruhito, pinaka-highlight ng five-day working visit ni PBBM sa Japan

Para kay House Speaker Martin Romualdez, ang pulong kay Japanese Emperor Naruhito ang pinaka-highlight ng five-day working visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Japan.

Paliwanag ni Romualdez, hindi lahat ng head of state na bumibisita sa Japan ay nagkakaroon ng oportunidad at prebilehiyo na makaharap ang Japanese emperor.

Binanggit ni Romualdez, na ayon kay PBBM, ay naging mainit at magiliw naman ang paghaharap nila ni Japanese Emperor, lalo at marami silang mutual friends at kapwa nag-aral din sa Oxford University kaya marami silang napagkwentuhan.


Inimbitahan naman ni PBBM at First Lady Liza Marcos sina Emperor Naruhito at Empress Masako na bumisita sa Pilipinas.

Samantala, binigyang diin naman ni Romualdez na ang ‘full force’ delegation ni Pangulong Marcos ay pagpapakita ng respeto at pagpapahalaga sa imbitasyon ng Japan.

Paliwanag pa ni Romualez, ipinapakita din nito sa mga negosyanteng Hapon ang kredibilidad at sinseridad ng Pilipinas para makipag-transaksyon sa kanila.

Maliban kay Romualdez, kasama din sa delegasyon ni PBBM sa Japan ang kaniyang economic team, si Senate President Migz Zubiri, House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, at mga negosyante.

Facebook Comments