Pulong ng China at Vietnam sa isyu sa South China Sea, naudlot

Manila, Philippines – Hindi natuloy ang pulong ng foreign ministers ng China at Vietnam na dumadalo sa ASEAN Ministerial Meeting.

Tensyonado ang dalawang bansa dahil sa isyu ng South China Sea.

Tumanggi ang Chinese Embassy na sabihin kung bakit naudlot ang sanay pulong ni Chinese Foreign Minister Wang Yi at Vietnamese counterpart nito na si Pham Binh Minh.


Unang nagkainitan ang China at Vietnam nang magtayo ang Vietnam ng drilling station para sa oil at gas sa South China Sea.

Nahinto ang oil at gas exploration ng Vietnam matapos magsampa ng diplomatic protest ang Beijing.

Facebook Comments