Pulong ng MSEAC-ISELCO II, Isasagawa sa Roxas, Isabela!

19

*Cauayan City, Isabela-* Nakatakdang magkaroon ng pulong ng Multi-Sectoral Electrificaton Advisory Council o MSEAC at pamimili ng sectoral representatives mula sa siyam na distrito ng ISELCO II na gaganapin sa ikalabing isa ng Septyembre taong kasalukuyan sa Roxas, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay General Manager David Solomon Siquian ng ISELCO II at Chairman ng Philippine Federation Electric Cooperatives (PHILFECO), layunin nito na mabigyan ng partisipasyon at orientasyon ang mga member consumers at iba’t-ibang sectors para sa pagbuo at pagbalangkas sa mga pulisiya para sa ikabubuti ng kanilang samahang kooperatiba.

Layunin rin nito na makita ang iba pang mga pulisiya para sa mas magandang serbisyo ng ISELCO II dahil hindi umano nakikita ng kanilang board of members ang lahat ng mga problema sa kanilang mga nasasakupang distrito.

Pinag-isipan umano ito ng National Electrification Administration (NEA) at ISELCO II na kailangang mayroon silang Advisory Council upang tumulong sa pagpapaganda sa pulisiya ng kanilang samahan.

Samantala, inihayag rin ni GM Siquian na mayroon silang binuong PHILRECA Partylist at nasa COMELEC na umano ito para sa accreditation.

Dagdag pa niya, Kung pumasa na ito sa accreditation ay magkakaroon na ng eleksyon ang buong pamunuan ng PHILRECA at PHILFECO para sa kanilang Partylist members na magrerepresinta sa kongreso.

Facebook Comments