Binata sa Ilagan City, Isabela, Huli dahil sa Kasong Bigong Pagpatay!

60

*Ilagan city, Isabela-* Matagumpay na naaresto ng kapulisan ang isang binata na may kasong bigong pagpatay matapos matimbog pasado alas singko kaninang umaga sa Brgy. Marana, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Allan Quibol Calumpit, disi otso anyos, binata at residente ng brgy. Osmeña, Ilagan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Ilagan si Allan sa isinilbing Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17, 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela dahil sa kaso nitong Frustrated Homicide.

Nakapiit na sa PNP Ilagan ang suspek at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng pitumpu’t dalawang libong piso.

Facebook Comments