MANILA – Kinansela na ang nakatakda sanang pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Barack Obama kasabay ng asean summit sa laos.Kinumpirma ito ni U.S. National Security Council Spokesman Ned Price, matapos makarating kay obama ang pagtuligsa ng pangulo sa U-S government dahil sa pakikialam nito Pilipinas.Pero sa isang interview… Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na wala pang nakakarating sa kanila na kinansela na ang nasabing pagpupulong.Kagabi, matapos magsalita sa filipino community sa Laos, binakbakan ng Pangulong Duterte ang amerika dahil sa pambabatikos sa extra judicial killings at kaso ng human rights sa harap ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.Pero, bago pa dumating sa Laos… Inupakan na din ng pangulo si Obama at sinabi na walang dapat ipaliwanag sa isyu ng extra judicial killings.Sinabi din ng pangulo, na wala siyang kinatatakutan kahit na sinong lider dahil siya’y pinuno ng isang bansa na hindi dapat pakialaman.Sinabi naman kagabi ni Obama sa kanyang pre-departure speech sa katatapos na G20 summit sa China, na hindi maiiwasan na mapag-usapan nila ang kampanya laban sa ilegal na droga.Una nang tiniyak ni Obama na mananatiling magkalapit na magka-alyado ang Pilipinas at Amerika.
Pulong Nina Pangulong Duterte At Us President Barack Obama, Kinansela
Facebook Comments