Pulong nina Pangulong Marcos at ng mga opisyal ng SRA kaugnay ng Sugar Order No. 4, pinasusuri ng isang senador

Pinasusuri ni Senador Risa Hontiveros sa Senate Blue Ribbon Committee ang Zoom recording ng pulong noong Agosto 4 ng mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama si Executive Secretary Vic Rodriguez.

Kasunod ito ng kaniyang pagkadismaya sa desisyon na tapusin na ang pagdinig sa importasyon ng asukal.

Ayon kay Hontiveros, marami pang mga katanungan ang dapat na masagot sa naudlot na paglabas ng Sugar Order No. 4 na pumapayag na mag-angkat ng 300,000 metriko tonelda ng asukal sa bansa.


Aniya, ipinagtataka rin niya kung bakit hindi ibinunyag ni Rodriguez ang detalye sa pulong sa pagitan ni Sebastian at ng pangulo sa kanyang testimonya sa una niyang pagdalo sa pagdinig.

Nauna nang sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Francis Toelentino na ilalabas nila sa Huwebes, Setyembre 8 ang committee report sa ginawa nilang imbestigasyon hinggil dito.

Facebook Comments