Hindi napag-usapan sa Cabinet meeting kamakalawa ang inaasahang pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay acting Cabinet Sec. Melvin Matibag, walang natalakay na ganitong usapin sa kanilang naging pagpupulong kasama ang Punong Ehekutibo.
Pero makatitiyak naman ani Matibag ang lahat na sa darating na Hunyo a-trenta, magkikita at magkakaroon ng pag-uusap ang outgoing at incoming president ng bansa.
Ito kasi aniya ang formal turnover ng administrasyon mula kay Pangulong Duterte patungo sa susunod na lider ng bansa na si President-elect Bongbong Marcos.
Facebook Comments