PULONG | PRRD, hihintayin lang si CBCP president Valles sa Malacañang

Manila, Philippines – Hihintayin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Catholic Bishops Conference of the Philippines President Romullo Valles sa Malacanang para sa kanilang one-on-one meeting.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng pahiwatig ni Valles na hindi na ito pupunta sa Palasyo para harapin ang Pangulo dahil sa dami ng ginagawa ngayon ng CBCP.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hanggang 10 ng gabi ay aabangan ng Pangulo si Valles sa Malacañang.


Nabatid na puno din ang schedule ni Pangulong Duterte kung saan pangungunahan nito ang Ceremonial turn over ng draft ng Federal Constitution na binuo ng Constitutional Commission.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na magkakaroon ng Cabinet meeting mamaya kung saan isusulong aniya niya na masertipikahang urgent bill ni Pangulong Duterte ang Universal Health Bill na kanyang iniakda noong siya ay nasa kongreso pa.

Facebook Comments