Pulong sa pagbubukas ng halos isandaang ruta ng mga pampublikong sasakyan para sa nalalapit na face-to-face classes, nakakasa na ayon sa LTFRB

Makikipagpulong ngayong araw ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang talakayin ang isyu sa pagbabalik ng mga ruta ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Cheloy Velicaria-Garafil, ang mangyayaring pag-uusap ay kasunod na rin ng planong pagbabalik ng halos isandaang ruta ng mga bus, jeepney, at UV express para sa nalalapit na face-to-face classes.

Kabilang sa mga ibabalik na ruta ay ang biyahe mula sa Sapang Palay, Bulacan hanggang PITX, Parañaque city.


Gayunpaman, nilinaw ng LTFRB na hindi kasama ang mga biyahe sa EDSA sa pagbabalik-ruta ng mga pampublikong sasakyan.

Samantala, tiniyak naman ng LTFRB na makikipagtulungan sila sa MMDA upang hindi magdulot ng pagbibigat sa daloy ng trapiko ang pagbabalik ng mga ruta.

Facebook Comments