Pulse Asia, idinepensa ang mataas na approval rating ni Pangulong Duterte

Dinepensahan ng Pulse Asia ang inilabas nitong datos kaugnay sa mataas na grado na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling survey nito.

Ayon kay Pulse Asia President Ronnie Holmes, walang manipulasyong naganap sa isinagawa nilang pagtatanong sa online at phone patch survey na ginawa ng kanilang tanggapan.

Paliwanag ni Holmes, parehong methodology at mga tanong ang kanilang ginamit sa huling survey gaya ng pamamaraan na kanilang ginawa sa nakalipas na 20 taon.


Isa rin daw independent organization ang Pulse Asia at walang maaaring magdikta sa kanila.

Sa survey na kanilang ginawa, si Pangulong Duterte ang nakakuha ng mataas na grado kung saan pumalo sa 91% ang performance approval rating nito.

Nasa 54% naman ang approval rating ni Vice President Leni Robredo, 84% kay Senate Pres. Tito Sotto, 70% naman si House Speaker Alan Peter Cayetano at 44% naman ang nakuha ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.

Facebook Comments