Regine Velasquez, aminadong challenging ang home school set-up; Joshua Garcia, balik-eskwela rin

45

Relate na relate ang celebrity mom na si Regine Velasquez sa challenges ng lahat ng mga nanay ngayong home school na ang set up ng klase.

Malaking adjustment ang ginawa ni Regine at ng kanyang anak na si Nate dahil ibang- iba ito sa nakasanayang face-to-face classes.

Say ni Regine, hirap mag-concentrate si Nate sa kanyang klase pero kalauna’y nasanay na rin dahil sa tulong niya.

Kung medyo challenging ang online classes para kay Regine, oportunidad naman ito para sa aktor na si Joshua Garcia para makabalik sa kanyang pag-aaral

Sa ngayon, naka-enroll ang aktor sa isang international school sa Las Piñas at kumukuha ng kursong entrepreneurship.

Facebook Comments