Friday, November 22, 2024

Pulubing nananakot ng mga motorista sa EDSA, kinasuhan

Opisyal nang sinampahan ng kaso nitong Lunes ang lalaking nanghaharang at nananakit sa ilang motorista sa EDSA kapag hindi binigay ang halagang hinihingi.

Haharapin ng salaring si Richard Dela Cruz ang reklamong Alarm and Scandal at Illegal Possession of Bladed Weapon.

Nitong Linggo, nadakip ang pulubi ng Pasay City police habang isinasagawa ang modus. Nakuhahan siya ng balisong, bato, at cardboard na may nakasulat “hindi ako masamang tao.”

Kamakailan, naging viral sa social media si Dela Cruz dahil tinatakot niya ang isang babaeng driver na pupukpukin niya ng bato ang kotse kapag hindi ito nagabot ng P100. 

Matapos bigyan ng barya, biglang pinukpok at ginasgasan ng lalaki ang sasakyan.

Ayon kay Dela Cruz, ipambibili niya ng solvent ang P100.

Humingi ng paumanhin ang suspek sa mga biktimang motorista at nangakong hindi niya uulitin ang modus.

Facebook Comments