Manila, Philippines – Tinutulan ng grupong Laban Konsyumer ang panukala ng Department of Finance (DOF) na taasan ang buwis sa alak at sigarilyo.
Sa interview ng RMN DZXL Manila, dapat masusing pag-aralan ng Department of Finance (DOF) ang taas buwis sa alak at sigarilyo dahil ang mahihirap at maliliit na negosyante ang direktang matatamaan.
Ayon kay Dimagiba, imbes na taasan ang buwis, dapat na tutukan ng gobyerno ang paglaban ng smuggling kung saan bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan.
Maliban sa epekto ng TRAIN law, ipinapanukala din ng DOF ang pagpapatupad ng tax reform package na “two plus” na sasakop sa sigarilyo, alak, mining, coal at casino.
Sa ilalim ng package doble ang pagtaas ng presyo ng sigarilyo at alak.
Facebook Comments