Manila, Philippines – Pumalag ang Palasyo ng Malacanang sa naging pahayag ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP at Philippine Center for investigative Journalism o PCIJ na nagsabing mas lumala pa ang pagatake sa mga mamamahayag sa Administratsyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi niya matatanggap ang posisyon na ito ng NUJP at ng PCIJ dahil sa katunayan ay bumaba pa ang bilang ng pagpatay sa Media sa bansa.
Ibinida din ni Roque na bumaba din ang ranggo ng Pilipinas sa listahan ng mga bansa na pinaka mapanganib sa mga mamamahayag.
Iginiit ni Roque na dapat ay linawin ng PCIJ at ng NUJP kung ano ang ibigsabihin ng pag-atake dahil maaari aniyang pagatake lamang sa pananalita at hindi pisikal.
Matatandaan na ang pagpatay sa Broadcaster na si Edmund Sestoso ng Dumaguete City ang pinakahuling broadcaster na biktima kung saan umabot na sa 9 na Media ang napatay sa loob ng Administrasyong Duterte.
PUMALAG | Pahayag na dumadami ang kaso ng pagatake sa media sa Administrasyong Duterte, hindi matanggap ng Malacañang
Facebook Comments