PUMALAG | Pampanga Governor Lilia Pineda, umalma sa pagdawit ni Sandra Cam sa kanyang asawa sa jueteng

Manila, Philippines – Pumalag si Pampanga Governor Lilia Pineda sa akusasyon ni PCSO board member Sandra Cam sa kanyang negosyanteng mister na si Bong Pineda.

Sabi ni Pineda, huwag naman sanang basta-basta nag-aakusa si Cam lalo na kung wala naman itong matibay na ebidensya.

Matatandaang sa pagdinig ng Senado nitong Miyerkules (January 24) tungkol sa kontrobersyal at mamahaling Christmas party ng PCSO, naungkat ni Cam na ginagamit Ang Small Town Lottery, isang legal na laro sa ilalim ng PCSO para pagtakpan ang illegal numbers game operation na jueteng.


Pakiusap pa ni Pineda, huwag din naman sana silang idamay ni Cam sa personal na alitan nito sa mga opisyal ng PCSO.

Isa pa aniya, hindi naman malapit ang kanilang pamilya kay PCSO General Manager Alexander Balutan.

Ang tanging koneksyon aniya ng mga Pineda sa PCSO ay sa mga tulong na ibinibigay sa kanilang probinsya.

Punto pa ni Pineda, hindi rin nagagamit ang STL bilang pangtago o disguise sa jueteng operations.

Facebook Comments