PUMALAG | Planong pagbabawal ng motorsiklo sa EDSA, tinutulan

Manila, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta sa pamamagitan ng motorcade ang mga kasapi ng motorcycle group na Philippine Riders of the Philippines at Bulacan Motorcycle Riders Confederation bilang mariing pagtutol sa plano ng MMDA na ipagbabawal na ang motorsiklo sa EDSA.

Ayon kay Bulacan Motorcycle Riders Confederation President Robert Perillo, nagtipon-tipon sila sa People Power Monument sa EDSA upang ipaalam sa pamunuan ng MMDA na tinututulan nila ang plano na pagbabawalan ang mga motorsiklo sa EDSA.

Paliwanag ni Perillo, hindi dapat ang kanilang hanay ang pag-iinitan kundi ang mga Bus at Grab, Uber at mga kolurom na sasakyan na sanhi ng pagbibigat ng daloy ng trapiko sa EDSA.


Dagdag pa ni Perillo, mula sa EDSA People Power Monument magsasagawa sila ng motorcade iikot sa Ayala Avenue sa Makati, pagkatapos ay babalik sa EDSA People Power Monument ipang ipakita sa publiko ang kanilang mariing pagtutol sa planong pagbabawal ng motorsiklo sa EDSA.


Facebook Comments