Manila, Philippines – Mariing tinututulan ni Vice President Leni Robredo ang panukalang batas na magbubuwag sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ilipat ang kapangyarihan nito sa Office of Solicitor General (OSG).
Partikular na ililipat sa OSG ang tungkulin ng PCGG na habulin at i-recover ang ill-gotten wealths.
Ayon kay Robredo, umaasa siyang hindi ito tuluyang maisasabatas.
Aniya, walang dahilan para maaprubahan ang panukalang batas lalo at maraming ginagampanang tungkulin.
Sabi pa ni Robredo. isa si Solicitor General Jose Calida sa mga nagtanggol sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Panawagan pa ng Bise Presidente sa mga Pilipino na maging mapagmatyag sa mga hakbang ng mga mambabatas sa panukala.